top of page
Writer's pictureParoxysm Wrkks

8 Poems about Feelings

Updated: Oct 16, 2020

Writing is one of the most effective medium in expressing untold feelings. Given that useful information, Paroxysm decided to provide eight (8) pieces of original poetry to inform, entertain, and above all, help you in any way possible. May you love what you're about to read!



Kasiyahan sa Kalungkutan

by Kei Murillo

Sa bawat pagpatak ng luha

Ang unang nakikita ko ay iyong mukha

Mga yakap na sa akin ay pumapalibot

Sa tuwing ako’y dinadalaw ng lungkot


Ikaw ang nagsisilbing ligaya

Sa mga panahong ako’y nagdudusa

Ngiti mo ang laging hanap sa twina

Kapag pakiramdam ko ako’y susuko na


Ikaw ang dahilan ng mga ngiti

Na madalas nang nakikita sa aking labi

Sa tuwing ika’y pagmamasdan

Oo nga, ikaw ang kasiyahan sa kalungkutan.



Kinabukasan

by Kei Murillo

Natalo ka na naman ba?

Umiyak ka na naman ba?

Bakit lagi nalang ganito?

Hanggang kailan kaya ito?


Masaktan ka man

Matalo ka man

Ng paulit-ult

Balang araw lahat ng yan ay sulit.


‘Wag mawawalan ng pag-asa

Sa bawat dumadating na problema

Basta lagi lang tandaan

Meron pang kinabukasan.


"Una at huli"

by Sherihan Yusoph

Una palang alam ko na,

Nagsimula sa asaran

Hanggang sa minahal mo ako

Minahal kita


Nakakalungkot lang

Inakala ko kasing ikaw na

Akala ko hindi ka na

Maghahanap ng iba


Pero nalingat lang ako sandali

Masaya ka na sa iba

Huling sulyap sa ating

Masayang nakaraan


Mananatiling nasa puso't isipan,

Pero kinakailangan nang palayain.


“Duha”

by Rhomae Jane Napolis

Meron tayong dalawang personalidad

Isa ay tuwing sikat ang araw,

Kung ako’y tatanungin kung masaya ba ako,

Sagot ko’y “oo”,

Masaya ako sobra.


Ngunit bakit tila pag lubog ng araw

Nasa iisang sulok at nakatulala.

Eto na ba yun,

Ang pangalawang personalidad?


Kung saan may lungkot, galit, at insekuridad.




Sa Pagbulwak ng Bulkan

by Kiya Lexi Sazon

Lahat ay may hangganan

Kahit ilan pang liko sa kaliwa’t kanan

Kahit ilan pang subok sa pag-ibsan

Hindi maikakailang ang lahat ay may

katapusan


Katulad na lamang ng iyong pagdaan

Inakalang ika’y mananatili

Ngunit nagkamali

Ika’y umalis nang walang paalam;

Ang pagbabalik ng ating samahan

Ay isang imposibleng suntok sa buwan


Hindi ko lubos maunawaan,

Anong naging pakay mo, dating kaibigan?

Lapit, sabay lisan?


Sa pagsabog ng aking nararamdaman,

Nawa’y iyong madama ang pagbulwak ng nagtatakhang bulkan.



"Being happy is being strong"

by Kiya Lexi Sazon

You don't have to be the strongest to be happy

Just be happy on your own way

Not minding what others would say

You're you, they're them

They might say you're little

It might be true, but you're a precious little gem.


A tiny treasure will always be much better

Than a huge, gigantic trash.



"Definition of your smile"

by Kiya Lexi Sazon

Your smile is of gold

But can never be sold

It will never get old

It is something to hold

Something to keep

Something so deep


Your smile is of gold

Full of stories untold.


Your smile is so clear

I can see it from here

All I'm waiting for is a tear

To confirm that your smile is unreal.



“Fear, doubt and curiosity”

by Rhomae Jane Napolis

I admit that I was afraid

Afraid to take the risk

Well not now, but maybe soon

Even if I had the doubt.


I want you to know that all the emotions

I’ve felt for you will never fade

Observe my sincerity.

Verses and verses of letters will never end

If it’s you whom I writing for.


I wonder if you’re still wearing that smile I made for you?

Unattended, yet became mine.





36 views2 comments

2 Comments


ksxxazon
ksxxazon
Oct 07, 2021

Balang Araw


Sa tuwing binabagyo ng lungkot,

At ang luha'y 'di mapigil;

Sa tuwing binabalot ng takot,

At ang puso'y parang kinikitil,


Sa tuwing hindi malaman

Kung saan kakapit,

Mahirap, gayunpaman,

Balang araw ay sasapit.


Sa tuwing nilalamon ng galit,

At ang sarili'y nanggigigil,

Sa tuwing nahihirapan,

Sa mga kinakailangang gampananan,

Sa tuwing naiipit,

At ang dibdib ay sumisikip,

Mahirap, gayunpaman,

Balang araw ay sasapit.


#

Like

ksxxazon
ksxxazon
Nov 15, 2020

Urong Sulong


sa pagpatak ng alas nwebe,

ang binuong pader ay gumuho

nagmistulang upos

naghihikahos

hangi'y kapos

pasensya'y ubos

pagkatapos

sa pagdating ng alas dyes,

tumigil ang mundo

bumalik bigla sa dati

sugat ay biglang kumati


bumalik ang pighati

alas onse:

ang pinutol na lubid ay nabuong muli.


#

Like
Post: Blog2_Post
bottom of page